Ang Pag-aaming Drawing

Kailan pa ba kinulayan?

Advertisements

“Hawakan mo aking kamay
Bago tayo mag hiwalay
Lahat lahat ibibigay, lahat lahat
Paalam sating huling sayaw
May dulo pala ang langit
Kaya’t sabay tayong bibitaw
Sa ating huling sayaw”
-Kamikazee, “Huling Sayaw”

Isang gabi na may sayawan na parang nasa debut o sa prom. Nagkatagpo kayo ng naging crush mo nang ilang taon. Sabi ng host, ang mga babae ay bumuo ng isang malaking bilog, at ito ay mapapalibutan ng mga lalaki sa labas. Sinadya mong ang sarili mo’y katapat ang crush na ilang taon mo ring pinagdarasal na magkatuluyan kayo. Wari bang yun na ang pagkakataon upang makasayaw mo siya, hawakan ang kanyang mga kamay na matagal mo nang dinarasal na sana dumating yung mga panahon na kahit yun lang ang magawa mo ay solb ka na.

Sa inyong pagtatapat ng mga posisyon, nakatungo ka na tila may naaalala. Ano kaya ang mga iyon? Ito marahil ang mga panahon na kung saan nagkaraoon kayo ng isang pagkakaibigang matalik. Malamang ay naging malayo kayo sa isa’t isa ngunit ang inyong loob ay hindi na nagkalayo. Naging marami ang inyong naging pag-uusap: magmula sa mga idea hanggang sa academics hanggang sa mga crush niya–lahat nang iyan, pinag-usapan ninyo. Naalala mo siguro yung naging birthday mo na kung saan lahat halos nagbigay ng birthday message na karamihan, sermon. Ngunit siya at siya lang ang tao na nagbigay ng birthday message na tila ikaw yung pinagtatanggol mula sa mga panenermon nila. Ang boses niya nang mga panahong iyon ay sobrang mahinahon, na siyang trademark ng kanyang pagkatao. Hindi mo nga siya nakitang magalit eh. At hindi ka niya tinawag na “kuya” nang mga panahong iyon, sa halip, tinawag ka sa first name mo. Napagtanto mo na marahil, nagkaroon na kayo ng pagkakaibigang malapit.

At nag-umpisa na ang musika. Tugtugan na. Inaya mo siyang sumayaw, nilapit ang iyong kamay upang kanyang abutin. Naka-bow ka na nag-aya sa kanya, tila pormal kung tutuusin. Sa mga panahong iyon, naalala mo marahil yung mga pagkakataon na nagkakasabay na kayo pauwi. Kung saan ang daanan niya, doon ka rin. Minsan pa nga, nagkakasabay sa tricycle. Ito ba yung mga panahong nagpaparamdam ka na halos sa kanya? Yung tipong, pag may tanong siya sinasagot mo agad. Minsan nagreresearch ka pa. Tapos yun nga, halos araw-araw na kayo magsabay pauwi. Minsan kinukulit mo pa siya pag kinakausap mo. Iba rin ang diskarte mo, ‘no?

Hinawakan mo ang kanyang mga kamay na tila wagas at ayaw mo nang pakawalan. Ngunit syempre, bakit mo hihigpitan? Masakit kaya yun sa kanya, unbecoming a gentleman pag ganun. At hindi lang isang kamay, dalawa pa! Sa mga pagkakataong iyon, sinulit mo ang mga panahong iyon hindi lang upang mahawakan ang kanyang mga kamay ngunit upang makilala pa sana siya nang mas malalim. Ngunit marahil, sa tagal na rin ng hindi ninyo pag-uusap nang personal ay hindi mo alam kung papaano ka naman eentre. Para ngang awkward eh. Kaso, pagkakataon mo na yun. Dapat magtanong ka na. Kahit ano lang. Eh yun, nag-umpisa ka tuloy magtanong ng tungkol sa trabaho niya, kung kumusta ba sa paaralan na kanyang pinapasukan. Mahirap, maraming paperworks, stressful daw.

Pero kung tutuusin, hindi lang naman yan ang dahilan mo kung bakit parang hindi ka makapagsalita sa kanya. TORPE KA LANG TALAGA. Ang masama pa niyan, kuya-zoned ka pa. Magta-tatlong taon na yung nakaraan ngunit parang sariwa pa rin sa iyong alaala tungkol sa nakarating sa iyo na info. AYAW NIYA SA YO. DI SIYA KOMPORTABLE. At naalala mo ba kung gaano ba gumuho yung mundo mo nang nalaman iyon? Ang sakit. Sobrang sakit na inabot ka ng ilang araw para lang maka-recover. Naramdaman kasi niya na gusto mo siya. Di mo man sinasabi sa kanya pero sinasabi ng intuition niya na gusto mo siya. At may gusto siyang iba.

Alam mo ba yung sabi sa ‘yo ng mga kaibigan mo nung kwinento mo sa kanila ang tagpong iyon? Sabi ng isa, brod wag mo nang ituloy manligaw, may gusto siyang iba. Yung isa naman, sabi niya, kung gusto mo talaga, ligawan mo. Sabihin mo yung intention mo. Di man siguro niya sagutin iyan ng oo, at least naman maaappreciate niya na may isang pangahas na naglakas ng loob na umakyat ng ligaw sa kanya. At dahil inisip mo rin naman ang ligaya at kapakanan ng crush mo, mas pinili mong i-mindset sa sarili mo yung pangalawang option.

Malapit nang matapos ang panahon ninyo para sumayaw. Sinusulit na ang pagkakataong makasayaw siya. Nagtanong na rin siya sa yo kung kumusta ka naman, at sinagot mo naman. Ngunit parang may mga gusto ka pang ibulong sa kanyang mga tenga, na hindi pa sapat ang pag-uusap na iyon para makapagsalita sa kanya. Nangungusap ang iyong mga mata na tila ba nais mong hindi na siya pakawalan sa sayawang iyon. Yung tipong, sana di na matapos ang sayawang iyon, na sana umabot pa yun sa dulo ng walang hanggan. Sana nga, pwedeng i-extend ang sayawan niyong iyon.

Kasi malamang, iyan na ang huli mong sayaw sa kanya.

Dapat sana nabanggit mo na noon sa kanya yung naramdaman mo. Sana nasabi mo na sa kanya kung gaano mo siya nagustuhan di lang bilang kaibigan. Kaso problema, nagkaroon ka na ng mga kompromiso. Sa halip, hinanap mo na lang sa iba yung paggusto na sana nakuha mo na lang sa kanya. Dalawang puso pa tuloy yung pinaasa mo. At ilang taon na yung dumaan bago mo napagtanto sa sarili mo yung kamaliang nagawa mo. Sana kung nasabi mo lang, at sinagot ka niya, e di naging kayo.

At ngayon, sinayaw mo siya. Inuna mo na siyang isayaw bago pa ang ibang mga kababaihan. Patapos na ang sayawan. Ayaw mo nang pakawalan. Ngunit may bigla kang naalala. Dinesisyon mo na pala ang tungkol diyan. Gusto mo nga sanang i-cancel o kalimutan, ngunit ang sakit na siguro n’un sa mga panahong iyon. Kaso, wala eh. Mukhang huling sayaw mo na ‘to kay crush.

Times’ up! Change partner! Ayaw mo na siyang pakawalan until forever. Kaso yun nga talaga, hanggang doon lang yung kayang ibigay ng oras sa inyong dalawa. Pagkakataon mo nang aminin sa kanya yung nararamdaman mong kagustuhan sa kanya, kahit ansakit ng mga nangyari sa inyong dalawa. Tapos na ang oras ninyo, dapat composed ka na talagang sabihin mo, kasi malamang wala nang ganitong pangyayari ulit.

Kaso, hindi eh. Hindi mo na naamin.

Hindi mo na sinabi sa kanya, na para bang alam na ng buong mundo pero siya, di na niya kailanman alam. Maski paghanga lang, o kahit katiting lang ng nararamdaman mo, di mo pa nasabi. Sayang. Kung sinulit mo na sana yung oras na parang naging kayo na, sana binigay mo na lahat. Kasi hindi na iyan maibabalik pa.

At nang natapos ang sayawan niyong iyon, binitawan mo na ang kanyang mga kamay, na para bang satisfied ka na sa sayawan niyong iyon kahit bitin. Nilet-go mo na siyang tuluyan, at pumunta ka na sa kabilang partner. Naisip mo marahil, mag-stick ka na lang sa decision mo kung bakit mo siya ginawa in the first place, na siya yung una mong makasayaw. Magiging simbolo ito na tapos ka na sa kanya at nile-let go mo na siya nang tuluyan. Magiging simbolo ito na bagama’t nagkaroon kayo ng mga alaalang magaganda, ay kailangan mo nang tapusin nang tuluyan ang mga balak mo para sa kanya. Magiging simbolo ito na bukas, bagong simula na ang naghihintay sa iyo. Para sa kapakanan ng pinagpe-pray mong iba at dinesisyonan mo nang stick ka na sa kanya. Iba na kasi ang gusto mo.

Iyon na ang una’t huling sayaw mo sa kanya. Ngunit ni minsan, di mo na nasabi kung ano yung nararamdaman mo para sa kanya. Sana okay ka na roon. Keep it secret na lang, at wag na lang niyang alamin ang mga bagay na minsan na rin niyang gustong marinig galing sa yo. 😥

“Sa sandaling tila habambuhay
Bawat saglit magiging patunay
Ito ay itinakda, langit ang may akda
Ayokong kumawala sa’yo
Huling sayaw na natin ‘to
Huling halik sa’yong noo
Huling pagdidikit ng puso”
-Moira dela Torre, “Huling Gabi”

To That “Bes”

Just another midnight thought. XD

A writing piece’ beginning is always the hardest, more be the ending. Not sure if I have taken that statement from our Communication 1 course in UP, but I guess that is an established fact. Begin with that end in mind, said the late Stephen Covey. It’s always how to start that makes anything crucial. How you end it is a lot cruel (or perhaps, sweet).

That Valentine’s Day (or we call it “Hearts’ Day”) has finally ended; prior, I heard that voice doing that extro on the radio. That was a usual day of such programming, and that was an end of a radio show that features written love stories, being put in a radio-drama format. It also features DJ’s that give their advice, as well as the people who would either call or text the program. What makes it different at this point is that the extro added a little twist to that usual statement. For most who will hear, that is just another extro being done by the DJ. Not for me.

To be honest, I didn’t really care, if it were back then. Say, most of my life. Until a friend introduced us. Few months before, I was captivated by what did happen at that program as I bought that pandesal. I heard of a DJ giving her advice, but that was a totally different approach. I usually heard of worldly approaches back then; not this one. Then suddenly my memories of hearing Christian radio broadcasters giving pieces of advice at that time slot hit me. Plus, such advice was not done in a Christian radio program, but in a program of a big station. That was a radio station I grew up with. And that made me floored.

Flash forward. We were introduced by that friend. First, online, then in person. I was so excited to meet you personally since I’ve been hearing a lot of you from my friends. On that Sunday night, being with you was a very unique privilege. I’ve got to know your world, and somehow I’ve also got to share my world. That was I believe a very casual meetup. That was our first time, though I saw that we had a lot in common. It wasn’t anything special, at least for some people. But that gave me something that I would be excited about, at least in the coming months.

Then this Valentine night. The radio show talked about a guy who was always being in the friend zone. Unfortunate, isn’t it? But that was because his character wasn’t dealt with, and he wasn’t true to himself, at that time. What hit me was, at least at the latter part of the story, he became humble enough to ask his former rival to teach him how to make the romantic moves. Sadly, it wasn’t a success for him. Yet this led me to some powerful lessons.

Be true to oneself. Don’t assume likelihood until it’s been stated. Be humble enough to be taught. Be your best self when you consider being friends with that guy/lady. And expect rejection as much as you expect a yes.

Then I remembered about courtship. I wanted to be a friend–a real one, in fact. Someone who could be trusted. Someone whose relationship will endure a lifetime. Someone to talk stars and whirlwinds and problems and earthquakes and brownouts and political situations with. Someone who will tell jokes out of the blue, since the first meeting might be the most awkward one yet. Someone who will be willing to serve. And someone who will even die just for the relationship to work.

For now, it may be that you’re not yet ready. It may be that you have a lot to do, a lot of character being ironed out. It may be that there are still a lot of things to be dealt with you. It may be that there are mindsets that need to be cleared out. It may be that there is still a lot to meet. That’s just okay, I will wait. I will wait until God says, “Go.” I will wait until he has already seen our readiness and the right timing if it were you. Until such time, I’m improving to become my best version of self, to become the right man for you, the one that you have been praying for. I’ll be doing what God has been calling me to do at this season. For now, God has said, “Slow.” Slow down. Chill. God must have known my desire, and he must have known that we could match. Who knows?

Even with these kinds of thoughts, I’m also preparing for that plan B–your rejection. I’m so certain that as much as I would want to be “yes-ed” with, there is also a certain “no” that I had to prepare myself for. It’s a reality as I perceive it. It’s something that my heart has to make a lot of pillows around so that when it’s going to hurt, at least it won’t be having a very great toll on me. Even so, I’ll still become a great friend, someone whom you could lean on. It might take some tears on my part, but I’ll have to move forward in life by then.

And that DJ–it’s you. I like you not because you are a DJ, but because you are a princess. You are a daughter of the Great King. You just happened to work with the airwaves to make a difference. But the message that you convey are the timeless words of this King, the Father, who doesn’t just want to let these people experience the consequence of their actions but to offer the hope that he alone can give–the hope of a changed life. The hope of renewal. The hope of experiencing God’s love even in their despair. You are that woman of character, more than that woman of charisma. Indeed, it’s God’s grace at work in you. And that’s what I love about you.

That extro–“To Jesus Christ be all the glory, the Author of love, my God, my Savior.” It isn’t just a phrase that is being said just for fads, but it’s been said because it is you. Back then, I cringed when you pronounced such extro. It’s because it’s being unheard of in any radio shows I encountered. But because you might have realized the great love our Savior has for you, I thought that it was your grateful response to his very amazing grace. Your addition of “Author of love” made me want to love the Savior more and more. And I love that you have done that, too.

I’m amazed, still, of how you do your radio programs. You were not perfect, but God’s grace has always been evident. And that is God’s idea for you to become a greater blessing.

It’s not just for you, but for me, and for all who hear.

When God might bring us together in the future, I will not only see us together in a photograph, but we will be together, by faith, FOR LIFE (dayta ah!). And at that time, we will be having that love story at which God himself is the Author since he is also the Author of impossibilities becoming possible. And we will be the cleanly-slated, pure pages where God will intend to write this story. But for now, let’s just become busy with the things God has entrusted us to do, and then at the right time, the Author will surprise us both that we have indeed found–and soon, loved–each other. ❤

freewriting session #2

sa mga panahong ito, naisip ko hindi naman kailangang mag-worry tungkol sa mga bagay-bagay. minsan kasi pressured tayo na magkaron ng mga bagay-bagay, at minsan akala natin okay lang naman yung magkaroon ng mga ganito at ganyan. pero kasi, fast-paced na tayo eh. speed versus accuracy–kung papipiliin ang mga tao, speed ang kanilang hinihingi. speed dahil siguro sa maraming mga naka-line up na gagawin. pero minsan nga di pa nila nache-check ultimo mga typographical error sa mga textbook ng para sa public schools dahil lang sa speed na yan. kaya maraming pressured eh, kasi kailangang “bilisan” ang mga bagay-bagay, when in fact, kailangan na hindi naman too relaxed ang peg nating lahat, kundi dapat na may konsepto pa rin ng accuracy, detailed-ness, at excellence. di ba nga, yung isang diamond, di mo naman magagawang diamond kaagad yan kapag di mo sinubject to pressures and heat, and of course, may time involved pa yan. kaya matigas yung diamond kasi millions of years pa siguro inabot yan bago niya narating yung ganung klaseng tigas. or consider na lang yung mga metal na natutunaw, di ba dapat i-applyan mo nang heat, pero kailangan pa ng maraming oras para lang matunaw yung metal. di naman instant na iisang iglap eh tunaw na yung metal? anu yun, kisapmata? kaya yun, do not worry too much. wag kang masyadong mag-alala. siguro mag-alala ka na sa mga bagay na pwedeng ikamatay at kung anupaman, pero di ba di naman dapat na maging big deal yun? sana nga hindi ako masyadong mag-alala kasi naiisip ko na naman siya. nako. lagi na lang. araw-araw na lang na di siya mawala sa isip ko. hehe. nakakainis nga eh kasi di na naman kami nag-usap. nakakainis grabe. hehe joke lang. di ko alam whether nakakasawa na ba akong kausap o naubusan na kami ng topic na pwede naming mapag-usapan, o gusto lang talaga niyang sabihin na magpa-miss lang muna ako. hay buhay. minsan nga naman di ka mahulog sa patibong na ikaw rin lang yung nag-set. pero ayos lang. sana nasa mabuti siyang kalagayan (as always naman). pero more than that, sana naaalala pa rin niya na matalik niya akong kaibigan kahit na sobrang kulit ko na sa kanya, at di na niya ako mabigyan ng time para lang makausap. sabagay iba na rin kasi yung priority niya sa buhay at karera sa ngayon, na yun na yung pinagtutuuanan niya ng pansin. sabi nga sa akin ng isang friend huy mag-effort ka naman. huy wala ka nang oras. pero yun, ineenjoy ko lang muna yung pagkakaibigan naming ganito, kahit feeling ko ansakit lang kasi di na naman siya nagrereply sa mga message ko na feeling ko ewan lang talaga. haaay. buhay nga naman oooh. naisip kaya niya kung ano naman yung nararamdaman ko kahit sa tingin niya naintindihan ko naman kung bakit di siya nagrerespond sa mga text message ko?

(done in exactly 15 mins)

balik

image018
ang oblation statue sa unibersidad ng pilipinas baguio. kinuha noong disyembre 2009

sa isang corridor sa unibersidad naulit ang pagtatagpo ng aming landas. pangalawang ulit kaming nagkita. tinanong ko muli ang pangalan niya. sinabi niya ang palayaw niya. tapos ang full name niya. sabi ko, ah okay. naglakad ako past her, papunta marahil sa canteen na kakainan ko. nakakilala ako ulit ng bagong kaibigan. sa una naming pagkikita sobrang kaswal lamang ng aming pagkakakilala. na nakalimutan ko kaagad ang pangalan niya.

lumalim ang pagkakaibigan namin. dumami ang pagsasamahan. dumadalas ang kwentuhan. sumasabay ang aming pag-uwi. sa isang barangay siya, sa kabila lang ako. naging magkabanda. hanggang sa nailang sa akin siguro, mej di na nagpansinan, hanggang sa umabot sa point na nagsorry ako sa kanya dahil iyon siguro yung angkin kong kahinaan–di ko masabi kasi sa kanya na gusto ko siya. nung una kasi, na-cute-an lang sa kanya. hanggang sa nagandahan na. dumating sa point na pinagpe-pray siya, as if siya na yun. as in, siguro, madalas na yung once a week. dumaan ang mga araw, buwan, at ako’y may mga napagsabihan. tapos nalaman na lang niya, pero ang kuwento, di naman daw niya naramdaman. ngunit pagkatapos ng insidenteng yun, naging magkaibigan pa rin naman kami. tapos sinabi pa niya sa akin na congrats o good job noong graduation ko. syempre, sinong hindi aabot ang langit sa tuwa doon?

ilang buwan din ang lumipas. ilang taon din ang lumipas. kumusta na kaya siya? marami na rin akong nabalitaan tungkol sa kanya. di na kami nakakapag-usap. di na kami nakakapag-chat. siguro yung huling usap na namin ay noong unang taon ko na sa trabaho tapos ang huling chat namin ay noong ilang buwan lamang, pero ilang taon din bago kami huling nag-chat. kumusta na kaya siya? nagkikita pa rin sila ng kapatid ko (parang matalik nga niyang kaibigan eh). pero wala naman siyang binabanggit sa akin. kaya napaisip ako. hanggang sa unti-unti nang nawala ang kagustuhan ko sa kanya. palibhasa langit siya, lupa ako. gatas siya, kape ako. manilenyo siya, probinsiyano ako. may trabaho siya, may negosyo ako.

nagkaroon pa tuloy ako ng marami pang mga kaibigan. at isa-isa ko silang kinilala, na para bang isa akong extrovert na nakatira sa mundo ng mga introvert. marami nang taong dumaan sa paningin ko. marami na ring nakilalang bago. hanggang sa naisip ko, dito na lang. pipili na lang ako sa set of friends ko dito. pinagpe-pray kung sino. ngunit pag may mga taong kinoconsider, parang mas marami pa yung points of consideration kesa sa mga good point. meron na ngang kamuntikan, pero sayang, siya rin lang yung kumalas. sobrang depressed ako nun. kaya naghanap pa ako ng iba. pero kakahanap ko eh kakaisip ko rin. para bang hanggang analysis paralysis na lang ako. hanggang sa naisip ko, bahala na. bahala na ang tadhanang magtagpo o magtagpong muli sa amin.

at naalala ko siyang bigla. kumusta na kaya siya? kumusta na yung trabaho kaya niya? kumusta na kaya yung ministry niya? ano na’ng ginagawa niya pag ganitong oras? ano kayang masasabi niya pag malaman niyang nagnenegosyo na ako, at may mga konting sideline na trabaho? pag nagkita kaya kami nito, ano kaya yung una naming pagkukwentuhan? ano pa kaya yung mga diskusyon namin na pawang intelektwal? sino na kaya ang set of friends niya? at higit sa lahat, may nanliligaw na kaya sa kanya?

may nakapagsabi nga, burn the bridge when you get there. the birds of the same feather pray together and stays together. matalino man ang matsing, matsing pa rin. at sa pagkahaba-haba ng prusisyon, sa edsa pa rin ang tuloy. haay. sadyang mailap ang tadhana. kaya nang gabing iyon, sa di sinasadyang pagkakataon, nakita ko ang throwback picture nila ng kapatid ko. yun yung itsura niya nung una kaming nagkakilala, though mas naalala ko siya sa pangalawa. sinubukan kong pagkumparahin ang picture niya noon at picture niya ngayon, walang pinagbago, maliban sa kilay. biglang naisip ko, bakit hindi ko na lang ibalik? habang tinitingnan ko ang profile picture niya sa facebook, naisip ko, eh kung siya na lang kaya, ulit?

originally posted at facebook as balik

freewriting session #1

NOTE: i’m posting this just to have my current thoughts spoken. someone sent me an e-mail saying that if you want to develop a blogging habit, you’ll need to invest time for freewriting–about any random stuff, not necessarily “post-able.” yeah, i’m just parapharasing it. anyway, bear with me if i would be having some grammar or syntax errors. i find it even cooler if someone would critic my work. :DD chillax lang mga tol. 😀

this is my first freewriting session. after a year and a month of wordpress silence, i’m speaking again. this time, i’m speaking about failures in life. with so many literature that will say you’re a loser, you’re an idiot, you’re a no-no, this world has been filled with failure-magnifying devices. just because you failed doesn’t mean you’re a failure. you might have broken thousands of potential light bulbs before actually lighting one–for long. you might had been a four-year-old who couldn’t speak and write well, and yet you discovered, or formulated, theories that would change the world (slept on this)

Hashtag May Forever?

Kinukuwento ng isang kapatid ko nito lang, sabi, “Isang proof that forever doesn’t exist: nagbreak-up na ang Salbakuta (a Philippine rap group).” Curious ako. Dahil medyo malalim ako mag-isip, naalala ko na nagbreak-up pala ang Salbakuta nitong 2014, at dahil doon sabi niya na walang forever. Pero na-curious talaga ako sa konsepto ng forever. What did I miss out?

Nakikita ko sa mga post sa Facebook yung mga patungkol sa konsepto na ito. Ano’ng meron sa forever? Forever in a sense na you will be together, forever? Yung ganun? Or simply dahil may eternity, may forever? Tapos magsasalita ang mga pilosopo, sasabihin na walang forever kasi kung yung tao mamamatay eh di mamamatay lang talaga. Or dahil may mga break-up wala nang forever. Anong meron sa forever?

Sabi ni Senator Miriam Santiago, sa interview sa kanya ni Prof. Monsod sa “Bawal ang Pasaway kay Mareng Winnie,” gusto daw niyang malaman kung talagang may buhay pagkatapos mamatay, at kung walang sagot na makukuha galing sa kanya sa kabilang buhay, ibig sabihin wala raw yun. Walang forever? Pwede raw.

Ano kaya ang proof ng forever? Masasabi ba yun thru mathematical reasoning? Thru deduction? Thru induction? Thru analogy? Anong theorems? Anong postulates? Anong physical laws na nag-poprove na may forever o wala? Ibig bang sabihin nito, whatever has been will always be (e.g. big bang theory na paulit ulit–may forever yun)?

Wala lang. Napatanong lang. Ia-update ko ang blog na ito if ever. 🙂

Basta ako naniniwala.

#mayforever